505

May 8, 2021 @ 14:40
By

3 mataas na posisyon sa PNP binalasa ni Eleazar

Ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Guillermo Eleazar ang pagbalasa sa tatlong mataas na posisyon sa kanilang hanay.

Itinalaga niya si Lt. Gen. Joselito Vera Cruz bilang bagong deputy chief for administration, ang pangalawa sa pinakamataas na opisyal ng PNP.

Papalitan si Vera Cruz ni Lt. Gen. Ephraim Dickson bilang deputy chief for operations, pangatlong pinakamataas na posisyon sa pambansang pulisya.

Uupuan naman ni Lt. Gen. Dionardo Carlos ang binakanteng posisyon ni Dickson bilang hepe ng directorial staff.

Inilipat naman ni Eleazar si Maj. Gen. Rolando Hinanay mula Civil Security Group patungong Directorate for Personnel and Records Management.

Epektibo ang balasahan ngayong Sabado, Mayo 8. 

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?