10

By

3-man panel experts bubuuin para sa isyu ng Dengvaxia

Sharing is caring!

Magtatalaga si Pangulong Rodrigo Duterte ng panel ng mga eksperto para siyang mag-aral at tutukoy kung may kinalaman sa Dengvaxia vaccine ang ikinamatay ng mga batang nabakunahan nito.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, ang panel ay kakatawanin ng tatlong Asian experts at hindi kukuha ng mga ekspertong Westerners.

Nais aniya ni Pangulong Duterte na makausad na ang gobyerno sa isyu ng Dengvaxia dahil magkasalungat ang findings ng eksperto mula sa Philippine General Hospital at ekspertong kinuha ng Public Attorney’s Office.

“The President after much discussion said that he will create a three-man panel of experts; all Asians, no Westerners and he will be bound by the findings of this three-man experts on the issue of whether or not Dengvaxia actually caused deaths.

“The panel of experts should be foreign, should have no links absolutely with the Philippine government. At siyempre po dapat wala po ng mga links ito sa Sanofi. At pakikinggan po niya ang report at opinyon ng mga ekspertong ito nang makausad na tayo dito sa issue ng Dengvaxia,” ani Roque.

Sinabi ng kalihim na sa ngayon ay naghihintay ang Pangulo ng mas malinaw na scientific finding sa Dengvaxia kaya kukuha ito ng three-man panel ng experts.

Kasabay nito, tiniyak ni Roque na suportado ng Pangulo ang lahat ng inisyatiba ng Department of Health kabilang na rito ang paghingi ng batas sa Kongreso para magamit ang pondong ni-refund ng Sanofi Pasteur sa mga batang nasawi mula sa pinaniniwalaang naiturok na Dengvaxia vaccine sa mga ito noong panahon ng nakalipas na administrasyon.

“Suportado po ng Presidente iyong lahat noong initiatives ng DOH ngayon, kasama na iyong paghingi ng isang batas galing sa Kongreso para magastos po iyong halaga na ni-refund ng Sanofi sa atin – mga one billion plus – para matulungan iyong mga naging biktima ng Dengvaxia,” dagdag pa ni Roque.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?