28

By

3 malalaking dam nagpakawala ng tubig dahil sa ‘Ompong’

Sharing is caring!

Agad na nagpakawala ng tubig ang Ambuklao, Binga at Magat Dam bilang paghahanda sa bagyong Ompong.

Nakabukas na ang limang gates ng Ambuklao Dam sa Benguet na may 2.5 meters na tubig at napupunta ito sa Binga Dam sa Benguet rin.

Ang Binga Dam naman ay may anim na gates na nakabukas na sa may 3.5 meters na tubig na napupunta naman sa San Roque Dam.

Agad namang inilikas ang mga residenteng apektado sa dalawang barangay sa downstream ng Ambuklao Dam.

Ayon kay Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) hydrologist Elmer Karingal, kailangang buksan ang mga malalaking dam upang maiwasan ang pag-apaw na makapagdudulot ng malaking problema sa pagbaha.

Hindi pa naman nagbubukas ng gates ang San Roque Dam dahil mayroon pa itong 5.26 meters para maabot ang normal spilling level na 280 meters.

Nakaabang na at nakabukas na ang dalawang gates ng Magat Dam sa Isabela na nagpakawala na ng 4.0 meters ng tubig na kung saan ay mabubuhos sa Cagayan River.

Paliwanag naman ng pamunuan ng PAGASA na hindi maapektuhan ang mga residente dahil sa pagbabawas ng tubig ng mga dam.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?