29
drugs
By

3 magkakapatid na drug pusher, tiklo sa Marikina

Sharing is caring!

Arestado ang tatlong notoryus na magkakapatid na kilalang drug pusher ng Malanday matapos malambat sa ikinasang drug buy bust operation, kamakalawa ng gabi sa Marikina City.

Batay sa report na nakalap mula sa tanggapan ni Eastern Police District Director Reynaldo Biay, nagsagawa ng drug buy bust operation ang mga tauhan ng Station Anti Illegal Drugs ng Marikina Police bandang 8:30 kamakalawa ng gabi sa #19 Missouri St. Purok 3, sakop ng Barangay Malanday, Marikina City.

Ito ay matapos makatanggap ng tip sa positibo ang mga tatlong magkakapatid suspek na kilalang tulak ng droga na sina Efren Canieso y Aborque, 21-anyos, Angela Canieso y Aborque, 18-anyos, out of school youth at Marvin Canieso y Aborque, 24-anyos, pawang mga residente ng #19 Missouri St. Barangay Malanday, Marikina City.

Isang pulis umano ang umaktong bibili ng droga at nakipagtransaksyon ito sa bahay ng magkakapatid na kung saan ay positibong may illegal na droga sa kanila at doon na isinagawa ang buy bust.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang walong piraso ng plastic sachet na naglalaman ng shabu at P1000 peso buy bust money.

Kasalukuyang nakakulong sa Marikina detention cell ang magkakapatid na suspek habang inihahanda pa ang kasong paglabag sa Sec. 5 and 11 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?