81
ABANTE-TNT-pamamaril-gun-kapitbahay
Jan 3, 2018 @ 10:54
By

3 magkakamag-anak, sugatan sa pamamaril ng kapitbahay

Tatlong katao na pawang magkakamag-anak ang sugatan nang tagain at barilin ang mga ito ng dalawa nilang kapitabahay dahil sa mainitang pagtatalo sa Las Piñas City kahapon ng madaling-araw.

Nagtamo ng tama ng bala buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril at taga sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktimang sina Hasan Abad; Jona Abad, at Agosto Collat, pawang nakatira sa Block 8, Lot 2, Everlasting Homes, Brgy. Talon 4, Las Piñas City, at patuloy na ginagamot ang mga ito sa Perpetual Help Dalta System Hospital.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang magkamag-anak na mga suspek na sina Jayson, at Joel Tura, nakatira rin sa naturang lugar.

Lumalabas sa pagsisiyasat ng Las Piñas City Police, naganap ang insidente alas-2:30 ng madaling-araw sa Block 8, Lot 2, Everlasting Homes, Brgy. Talon 4 ng naturang lungsod.

Habang naglalakad ang mga biktima ay bigla silang kinompronta ng mga suspek na walang dahilan hanggang sa nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang mga ito.

Sa pagtatalo ng magkabilang panig, dito na tinaga at binaril ng mga suspek ang mga biktima at pagkatapos ay mabilis na tumakas.

Agad namang naisugod ang mga biktima ng kanilang mga kaanak sa nasabing pagamutan.

Sa ngayon ay iniimbestigahan na ng pulisya ang naganap na insidente. (Armida Rico)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?