105

Oct 6, 2017 @ 9:00

3 magkakaibigan ‘namulutan’ ng bala sa inuman

Mistulang namulutan ng mga bala ang tatlong magkakaibigan matapos silang pagbabarilin habang nag iinuman sa Makati City kamakalawa ng gabi.

Namatay habang ginagamot sa Ospital ng Makati si Mike Galicia sanhi ng tinatamong tama ng bala sa dibdib, samantalang inoobserbahan naman ang kanyang mga kaibigan sina Jerome Garcia at Jan Ray Calutan.

Ayon sa pulisya, alas-9:30 habang masayang nag-iinuman ang mga biktima at lima pa nilang kaibigan sa Pitimini st., Barangay Pembo nang sila ay magkaroon ng mainitang pagtatalo.

Dahil naingayan sa mga nag –inuman, pinagsabihan sila ng suspek na si Renato Orena, 26 at residente ng lugar, na tumahimik dahil nagpapahingan na ang kanyang pamilya.

Hindi naman nagustuhan ng mga biktima ang paninita sa kanila at nakipagsigawan na sila kay Orena.

Makalipas ang ilang sandali, pinagbabaril na ng suspek ang grupo ng mga nag-iinuman. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?