41

Oct 11, 2021 @ 12:42
By

3 magbabarkada nag ‘group study’ sa kalsada, inararo ng trak, tigok

Pirat ang tatlong estudyanteng bebot matapos mabangga ng isang ten-wheeler truck sa Barangay Matagangtang, Masbate nitong Linggo.

Kinilala ang mga nasawi na sina Christy Franciso, 16; Ferdalyn Cañete, 10; at Jelian Tamayo, 13.

Batay sa ulat ng ABS-CBN News, nawalan umano ng kontrol ang drayber na si Jomar Tanael sa minamameho niyang trak dahilan para madale niya ang tatlong bagets na ayon sa report ay nagmo-modyul daw sa kalsada.

Bukod sa tatlong babae, nahagip din ng trak ang isang motorsiklo at tricyle.

Kasalukuyang nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide and damage to properties ang suspek. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?