64

Sep 9, 2021 @ 19:43
By

3 mag-uutol sabay-sabay naging pari

Tatlong mag-uutol ang sabay naordenahan sa pagka-pari sa Cagayan de Oro City.

Sa Facebook, ibinahagi ng Archdiocese of Cagayan de Oro ang rite of ordination ng magkakapatid na Avenido noong Sept. 8, kasabay ng kaarawan ni Mama Mary, sa San Agustin Metropolitan Cathedral.

Sa homiliya sinabi ni CDO Archbishop Jose Cabantan na marami ang namangha na tatlong magkakapatid ang sabay na nabasbasan bilang pari.

Ito ay sina Rev. Jessie James Olayvar Avenido, Rev. Jestonie Olayvar Avenido at Rev. Jerson Rey Olayvar Avenido.

Dagdag ni Cabantan, first time niyang mag-ordena ng tatlong magkakapatid, na regalo umano mula sa Diyos kasabay ng pagdiriwang ng ika-500 taon ng Kristiyanismo sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?