By

3 mag-bff, timbog sa pot session sa Marikina

Sharing is caring!

Hindi saya kundi kulungan ang bagsak ng tatlong magkakaibigan na nahuling nagpa-pot session sa bahay ng kaibigang adik, kamakalawa ng hapon sa Barangay Tumana, Marikina.

Nakakulong ngayon sa Marikina detention cell sina Kenneth Escanilla y Nañong; Alex Macapagal y Ibe; at Amirodin Quizon y Gutierrez at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o illegal drugs act.

Batay sa report, nakatunog umano ang pulisya na may nagsasagawa ng pot session sa Palay Creek, sakop ng Barangay Tumana, bandang 5:45 kamakalawa ng hapon.

Agad na inaresto ang tatlo ng nagrespondeng tauhan ng PCP 4 at nakumpiska mula sa mga suspek ang tatlong sachet na naglalaman ng shabu, isang sachet ng dahon ng marijuana at paraphernalia.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?