23

By

3 linya ng Commonwealth Avenue isasara

Sharing is caring!

SIMULA mamayang alas-11 ng gabi isasara ang tatlo pang linya ng Commonwealth Avenue sa Quezon City sa mga motorista.

Ayon sa MMDA bubuksan ang tatlong linya alas-12 ng tanghali bukas.

Inaabisuhan ni MMDA Gen. Manager Jojo Garcia ang mga motorista na maghanap na lang mga alternatibong ruta para makaiwas sa posibleng matinding trapiko.

Aniya, tatlong linya na lang ang maaring madaanan ng mga sasakyan.

Dagdag nito magsasagawa ng paghuhukay para sa isinasagawang MRT 7 project.

Dagdag pa ni Garcia itinaon ang pagsasara sa oras na hindi masyadong mabigat ang kondisyon ng trapiko.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?