6

Mar 4, 2021 @ 9:47
By

3 lindol umuga sa Kanlaon

3 lindol ang naitala ng Phivolcs sa Kanlaon Volcano sa nagdaang 24 oras.

Ayon pa sa Marso 4 bulletin ng Institute, “very weak” na nagpakawala ang bulkan ng usok sa parehong panahon.

Naglabas din ang Kanlaon ng sulfur dioxide, na nagsasaad ng pataas na galaw ng magma sa bukana ng bulkan, sa average na 141 tonelada kada araw noong Marso 3.

Nananatili ang Alert Level 1 sa naturang bulkan, na nangangahulugang nasa abnormal pa rin itong kondisyon.

Mariing minumungkahi ng Phivolcs ang mahigpit na pagbabawal sa pagpasok sa permanent danger zone ng Kanlaon dahil posible pa rin anila itong sumabog.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?