29

3 libong sidewalk vendors, winalis ng MMDA sa Pasay, Parañaque

Sharing is caring!

Winalis ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang humigit-kumulang sa 3,000 illegal sidewalk vendors sa Pasay at Parañaque City.

Sabi ni Francis Martirez, hepe ng sidewalk clearing operation ng MMDA, alas-singko pa lamang ng madaling-araw ay nagsimula na sila kanina na maglinis kontra illegal sidewalk vendors sa Taft-Rotonda, Pasay City at Redemptorist-Baclaran, Parañaque City.

Tapos na kasi umano ang kasunduan ng MMDA, pamahalaang lokal ng Pasay at pamalaang lungsod ng Parañaque, kung saan pinayagan lamang magtinda ang mga vendor mula noong Disyembre 10, 2017 hanggang Enero 6.

Dahil tapos na ang ibinigay na taning ng MMDA, muli nilang ikinasa ang cleaning operation kontra sa mga illegal sidewalk vendor.

Maayos naman umano na sumunod ang mga vendor at inalis ang kanilang mga tindahan na sa tantiya niya ay nasa 3K ang bilang ng mga ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?