165

By

3 kurso natapos ni KC sa California

Sharing is caring!

Masayang ibinalita ni KC Concepcion na tatlong kurso ang natapos na niyang pag-aralan sa California.

Aniya, may kinalaman umano sa alahas ang kanyang kurso na aminado siyang hilig niya.

“Mission: Self-education. Here I am enrolling in 3 courses in California four months ago. Fast forward to today, 3 certificates now complete! And oh, to those asking, my courses have something to do with jewelry. What can I do. Hilig ko talaga e,” sabi ni Concepcion sa caption ng kanyang post.

May sarili niyang jewelry line si KC, ang Avec Moi by Kristina, na 26-piece collection na inilunsad noong Marso.

Maliban sa tatlo niyang natapos na kurso, degree holder na ang anak ng Megastar.

Graduate si KC ng International Corporate Communication minor in Theater Arts sa American University sa Paris.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }