50

By

3 kotse napipi ng gumuhong pader

Sharing is caring!

Parang latang napipi ang tatlong kotse matapos mabagsakan ng gumuhong pader sa isang ospital sa Quezon City noong Huwebes ng gabi.

Ayon sa report, malakas ang buhos ng ulan bunsod ng Bagyong Salome nang gumuho ang pader ng Quirino Memorial Medical Center na matatagpuan sa kahabaan ng P. Tuazon Street ng nasabing lungsod.

Mabuti na lang at walang tao sa loob ng tatlong kotse nang mangyari ang pagguho.

Nabatid na hindi matibay ang pundasyon ng pader at hindi makita ang bakal sa loob na nagsisilbing skeleton nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?