45

Oct 14, 2021 @ 17:30
By

3 kompanya sa Pinas swak sa ‘World’s Best Employers’ list

Kinilala ng Forbes sa kanilang 2021 World’s Best Employers list ang tatlong kompanya sa Pilipinas.

Nakasama sa naturang listahan ang Jollibee Foods Corporation, Ayala Corporation at Aboitiz Equity Ventures.

Sa listahan ng Forbes ay 750 kompanya sa mundo ang nakapasok kung saan pang-256 ang Jollibee, pang-487 ang Ayala at ika-665 ang Aboitiz.

Ang ranking ay isinagawa base sa survey ng Statista sa 150,000 manggagawa, full-time at part-time mula sa 58 bansa sa mundo.

Kasama sa mga sinagot sa survey ay ang kung nararapat bang irekomenda ang naturang kompanya sa ibang kaibigan o kapamilya, maganda ba ang imahe ng kompanya, maging ang economic footprint, talent development, gender equality at social responsibility nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?