13

Feb 22, 2021 @ 14:57

3 kelot nagsuntukan dahil sa videoke sa Cebu

Nag-upakan ang tatlong lalaki sa Madridejos, Bantayan Island Cebu dahil sa videoke.

Ayon sa ulat ng Unang Balita, nasapul sa isang video ang dalawang lalaki na dumating at kinausap ang dalawang lalaki na nauna na sa lugar.

Maya-maya, doon na naghilahan ng mga damit ang mga lalaki at nagsuntukan.

Batay sa imbestigasyon, nagkainitan umano ang tatlong lalaki dahil sa videoke.

Nagkaayos naman ang mga ito nang dalhin sa barangay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?