29

Mar 29, 2020 @ 14:32
By

3 kawani sa San Lazaro Hospital tinamaan ng COVID-19

Tatlong healthcare worker ng San Lazaro Hospital ang nagpositibo sa new coronavirus disease.

Ayon ito kay Adult Infectious Diseases and Tropical Medine Section head Dr. Rontgene Solante sa panayam sa ANC kahapon.

“We tested all our healthcare workers who were assigned to [COVID-19] wards, and then some of them have symptoms, I think 1 or 2 have symptoms, but we tested all of these [personnel], and we found out that three of our healthcare workers were COVID-positive, so that’s why we are also putting them in these isolation rooms,” wika ni Solante.

Wala aniyang naka-quarantine na medical staff dahil ayon sa polisiya ng ospital, kapag walang sintomas at nagnegatibo sa test ay pwede pa ring pumasok sa trabaho.

Kinasa na rin umano ang contact tracing sa mga nakasalamuha ng tatlong COVID-19 positive na medical staff, maging sa mga non-COVID area ng San Lazaro. Lahat umano sa mga nakasalamuha ay walang nakitang sintomas ng virus, at pina-test na.

Plano niya ring imungkahi sa medical director ng ospital na magkaroon ng regular COVID-19 testing sa kanilang mga kawani, o kada dalawang linggo.

“Just to make sure that even if they are asymptomatic, they have to be tested for them to know their status of COVID,” sabi ng opisyal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?