18

Jun 9, 2020 @ 15:51
By

3 kawani ng DOJ positibo sa COVID

Batay sa rapid test kits, nagpositibo sa COVID-19 ang 2 security guard at 1 maintenance personnel sa Department of Justice.

Wika ni DOJ Secretary Menardo Guevarra, Martes, pinatigil na muna sa trabaho ang mga ito habang hinihintay pa ang resulta ng kanilang swab test. Dadalhin sila sa ospital para sa treatment sakaling makumpirmang COVID-19 positive talaga sila.

Dagdag ng kalihim, sa isang ulat, ang mga natirang pumapasok na DOJ worker ay sasailalim sa rapid testing hanggang Miyerkoles, sa tulong ng Chinese General Hospital.

Wika naman ni DOJ spokesperson Markk Perete, may nasa 750 empleyado ang ahensiya. Gayunman, ‘di pa tukoy kung ilan ang pisikal na nagtatrabaho at ilan ang work from home.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?