371
Sasakyan ng pinaslang na Grab driver, narekober sa Lucena
By

3 katao patay sa gumuhong supermarket sa magnitude 6.9 quake sa Davao del Sur

Tinatayang nasa 3 katao ang namatay sa pag-collapse ng isang supermarket sa Padada, Davao del Sur nang tumama ang magnitude 6.9 na lindol sa nasabing lugar nitong Linggo ng hapon, Disyembre 15.

Ayon sa Bureau of Fire Protection Director for Operations Chief Superintendent Samuel Tadeo, na nagsagawa ng rescue operation matapos ang pagguho ng tatlong palapag na supermarket.

Saad ni Tadeo na anim na katao na ang nare-rescue sa nasabing building, ngunit nasawi ang tatlong iba pa.

“Mayroon po tayong ongoing rescue operations sa three-storey na collapsed structure, yung [Padada] Southern Trade na grocery store. Mayroon na pong tatlong patay,” saad ni Tadeo sa panayam ng dzBB.

Kasunod ng lindol ay nasira din ang ilang lugar tulad ng Ateneo de Davao University at Gaisano Mall.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?