9
shabu-2
By

3 katao kalaboso sa iligal na droga sa Maynila

Sharing is caring!

Nadakip ang tatlo katao sa magkakahiwalay na operasyon ng pulisya sa lungsod ng Maynila.

Unang naaresto sa anti-illegal drugs operation ng Blumentritt PCP sina Jun Calma, 42, at Reynold Santos, 31.

Nakuha mula sa mga suspek ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu.

Samantala, nadakip naman ng Intelligence Section ng MPD Station 2 ang isang Ma. Teresa Joy Ramirez sa Juan Luna cor. Gatmaitan St., Tondo.

Matagumpay na naisakatuparan ang paghuli kay Ramirez sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Presiding Judge Albert Tenorio Jr., ng Manila RTC Branch 14, dahil sa kasong paglabag sa dangerous drugs act.

Aabot sa P60,000 ang inirekomendang piyansa ng korte para sa pansamantalang paglaya ng akusado habang nililitis ang kanyang kaso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?