17

Jul 15, 2021 @ 20:07
By

3 katao bistado sa pekeng RT-PCR test sa Bora

Dalawang babae at isang lalaki ang arestado sa Boracay nitong Miyerkoles matapos madiskubreng peke ang kanilang RT-PCR test result.

Ang Aklan Provincial Tourism Validating Office ang nakadiskubre sa mga pekeng papeles kaya’t pinagbigay alam nila ito sa pulisya.

Base sa imbestigasyon, galing ng Silang, Cavite ang mga turista.

Sa ngayon ay dinala muna sila sa isang quarantine facility sa Kalibo.

Sasampahan sila ng kasong paglabag sa RA 11331 at Article 175 ng Revised Penal Code.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?