118

Nov 24, 2017 @ 8:29
By

3 kalalakihan ginilitan sa Caloocan

Tatlong bangkay na lalaki na may gilit sa kanilang mga leeg ang natagpuan sa magkahiwalay na lugar sa Caloocan kamakalawa ng umaga.

Unang natagpuan dalawang kalalakihan na umano ay nangngagalang Edgar at Edwin, pareho kargador sa Balintawak Market subalit nagsa-sideline na holdaper, sa kahabaan ng EDSA na sakop ng Barangay 153, Bagong Barrio.

May nakasabit na karatula sa kanilang leeg na nagsaad na “Lugar namin ito, wag kayo dito, susunod na kayo!”.

Nakasulat din sa karatula ang mga pangalan na alyas Oca, Giboy, Jerome, Carlo, Intsik, Sylex, Daboy at Roniel.
Inaalam pa kung pangalan iyon ng mga susunod na target at pangalan ng mga gumawa na krimen.

Isang oras matapos makita ang bangkay ng dalawa, isa pang lalaki na nasa edad 17 hanggang 20 na edad ang natagpuang gilit din ang leeg sa Taliwis Street, Barangay 28, Dagat-Dagatan ng nasabi ring lungsod.

Buhay pa ang biktima at naisugod pa sa Jose Reyes Memorial Medical Center ngunit binawian din ng buhay kalaunan.
Hindi pa rin nalalaman ng mga awtoridad ang tunay na identity ng mga biktima. Masusi pang iniimbestigahan ng mga pulis ang insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?