447
sr
By

3 kalaboso sa shoplifting

Sharing is caring!

Kulungan ang bagsak ng tatlong maluluhong shoppers matapos tangkaing mag-1-2-3 sa pinamiling imported goods na nagkakahalaga ng P38K sa S & R membership shopping center, kamakalawa ng hapon sa Shaw Boulevard, Mandaluyong City.

Nahaharap sa kasong theft through shoplift sina Randy de Guzman y Francisco, Pamela Carino y Salditos at Jasmine Campolero y Valez, pawang mga nasa hustong gulang at kasalukuyang nakakulong sa Mandaluyong detention cell.

Batay sa report, naganap ang insidente bandang alas-5:31 ng hapon habang papalabas na ang mga suspek sa exit door ng S & R nang sitahin ng security guard at hanapan ng resibo bago ng mga ito ilabas ang mga pinamili.

Ayon kina S & R security officers Antonio Abastillas y Que-Que at Romely Chua y Patentes, SOP na nila ang paghahanap ng resibo bago ilabas ng exit door ang mga pinamili.

Wala umanong maipakitang resibo ang tatlong suspek sa ilalabas na imported items gaya ng tatlong piraso ng Aveeno Moisture Conditioner 10.50z na nagkakahalaga ng P499 bawat isa, 19 piraso ng Aveeno Nourishing Moisturizer 10.50z na may presyong P499 bawat isa, 6 Aveeno Pure Renewal 10.50z na may halaga namang P499 each.

Hindi naman umano mahahalata na bayad na ang mga pinamili dahil karamihan ng shoppers ay idinidiretso na agad ito sa kanilang mga sasakyan at hindi na pinababalot bago ilabas na siyang istilo na ginawa ng mga suspek subalit hindi sila nakaligtas sa guwardiya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?