228

Feb 26, 2020 @ 17:25
By

3 Julie Anne San Jose sabay-sabay umindak

Puring-puri ng mga artista ang “tatlong” Julie Anne San Jose na sumayaw kamakailan.

Sa kanyang debut video sa TikTok, on point ang pag-indak ng Kapuso singer-aktres sa remix ng “Run the World (Girls)” ni Beyonce. Sa filter, may dalawang kasamang clone si Julie Anne.

View this post on Instagram

First timer. Hi 🤦🏻‍♀️😂

A post shared by JULIE ANNE SAN JOSE (@myjaps) on

Inulan siya ng komento na “sabay-sabay ang pagsayaw nilang tatlo.”

Ilan sa mga pumuri sina Valeen Montenegro, Sam Concepcion, at Lovely Abella.

Bukod kay Julie Anne, nakisali na rin sa TikTok bandwagon sina Heart Evangelista, at sports personalities Apple David at Mika Reyes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?