53

May 7, 2018 @ 14:53
By

3 inireklamo ng panggugulo, arestado sa shabu sa Tondo

Naging mitsa ang panggugulo ng tatlong indibiduwal para sila at mahulihan ng iligal na droga at maaresto ng mga awtoridad sa Tondo, Manila.

Kinilala ni Police Supt. Jay Dimaandal, hepe ng Raxabago-Tondo Police Station-1 ang mga suspek na sina Honelyn Labora, 24; Virgilio Nugas, 33; at Ronald Silverio, 25, pawang mga residente ng Tondo.

Nangyari ang pag-aresto sa mga suspek matapos silang ireklamo ng ilang residente ng panggugulo umano sa mga dumadaang tao sa may bahagi ng Hermosa St. cor. Javier St.

Nang rumesponde ang mga pulis ay nadatnan pa ang tatlo na pakalat-kalat sa kalye at nang sitahin at kapkapan ay nakuha sa kanilang pag-iingat ang tatlong piraso ng plastic sachet ng shabu.

Kasalukuyan nang nakakulong sa Raxabago-Tondo PS-1 ang mga suspek habang inihahanda ang mga kasong paglabag sa breach of peace Comprehensive Dangerous Drug Act laban sa kanila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?