12
ambush
By

3 inambush sa Talisay City, Cebu

Sharing is caring!

Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng tatlong lalaki na tinambangan habang sakay ng kanilang sasakyan, kabilang ang isang pulis, Biyernes ng tanghali sa Talisay City, Cebu.

Base sa inisyal na imbestigasyon, isang police officer na nakilala lamang sa alyas na ‘Mic-mic’ ang isa sa nasawi habang inaalam pa ang dalawang kasama nito na patungo sana sa Sitio Ranger, Barangay Puok, Talisay City bandang alas-12:30 Biyernes ng tanghali sakay ng isang SUV.

Nabatid na ang bangkay ng dalawang biktima ay nakita sa loob habang ang isa naman ay nasa labas ng kanilang SUV.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?