20
Suspek sa pagpatay sa make-up artist ni Alden, nadakma sa Cavite
By

3 huli sa pot session sa Marikina

Arestado ang tatlong construction worker matapos mahuling nagpa-pot session sa bahay ng isang suspek, Sabado ng gabi sa Palay St., Barangay Tumana, Marikina City.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act sina Cedee De Guzman, 25 anyos; Michael Angelo, 25 anyos at Ma. Dolores Parsaligan, 44 anyos, pawang mga residente ng Marikina.

Inaresto ang tatlo bandang alas-10:30 ng gabi, Nobyembre 2, 2019, sa Block 68, Palay St., Barangay Tumana, matapos makatanggap ng tip ang mga tauhan ng PCP 4 na may nagaganap na pot session sa bahay ng isa sa mga suspek.

Agad na rumesponde ang pulisya at naaktuhan na humihithit ng shabu ang mga suspek kaya dinampot at dinala sa presinto.

Nakumpiska ang dalawang sachet na naglalaman ng shabu at shabu paraphernalia.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa Marikina detention cell.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?