91

Apr 6, 2019 @ 13:41
By

3 huli sa droga sa Pasig

Arestado ang tatlong hinihinalang tulak ng illegal na droga matapos ang ikinasang magkahiwalay na buy-bust operation ng Pasig Police at makuhanan ng walong platic sachet na naglalaman ng shabu sa matagumpay na transaskyon sa isang pulis na umaktong buyer, kamakalawa ng gabi sa Barangay Kalawaan.

Batay sa nakalap na report mula sa tanggapan ng Eastern Police District (EPD), nakilala ang mga suspek na sina Clark Suboc y Seguritan, 51-anyos, delivery boy, residente ng Pag-asa St., Barangay Kalawaan; Leopoldo Labaclado Jr y Capon, 37-anyos, ng Santan St., Ismar Purok 6; at Ramil Papiona y Solayao, 35-anyos, ng Pag-asa Compound, Barangay Kalawaan, Pasig City.

Ayon kay PCol. Rizalito Gapas, hepe ng Pasig City Police Station, unang isinagawa ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang buy-bust operation bandang 9:00 ng gabi sa Pag-asa St., matapos magbenta ng shabu ang suspek na si Suboc.

Nakumpiska mula kay Suboc ang tatlong sachet na naglalaman ng shabu at P200.00 buy-bust money.

Bandang 11:00 naman ng gabi ay naaresto sina Labaclado at Papiona matapos magbenta ng shabu sa isang police poseur buyer at nakuhanan pa ng limang sachet na naglalaman ng shabu at Php 200.00 marked money.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa Pasig City detention cell at nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 and Section 11 ng RA 9165.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?