By

3 huli sa aktong nagbebenta ng shabu sa Maynila

Sharing is caring!

Tatlong drug personality ang dinampot ng Manila Police District (MPD) matapos na mahuli sa aktong nagpapalitan ng shabu at pera Biyernes ng gabi.

Ang dalawang babae at isang lalake ay na-aktohan ng mga nagpapatrolyang miyembro ng MPD-Station 3 Drug Enforcement Unit sa gitna ng kanilang transaksyon sa Antipolo St. Barangay 356 sa Sta Cruz.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang 2.5 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P8,000-P9,000, mga drug paraphernalia at pera na ginamit sa bentahan ng droga.

Kakasuhan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek na pare-parehong itinatanggi na nagtutulak at gumagamit sila ng droga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?