30
views

By

3 holdaper ng dyip, timbog

Sharing is caring!

Nadakip ng mga tauhan ng Quezon City Police Disrict (QCPD) Station 10 ang tatlong holdaper ng pampasaherong jeepney sa Quezon Avenue corner Timog Avenue, Quezon City noong Sabado ng gabi.

Kinilala ni Chief. Supt.Guillermo Eleazar, director ng QCPD ang mga suspek na sina Carl John Pinangay, 18, binata, nakatira sa 414 Agham Road, Brgy. Bagong Pag-Asa; John Gerald Oliva, 22, binata ng No.21 Maunlad St., Brgy. Pinyahan at isang menoer-de-edad na hindi na tinukoy ang pangalan.

Nadakip ang tatlo dakong alas-9:00 ng gabi habang sila ay pababa nang hinoldap nilang pampasaherong jeepney sa tapat ng Cowboy Grill bar and restaurant sa Quezon Avenue corner Timog Avenue.

Ayon kay Supt. Christian Dela Cruz, hepe ng QCPD-Station 10, sumakay ng jeep ang mga suspek sa kahabaan ng Quezon Avenue at agad na nagdeklara ng holdap.

Tinutukan ng patalim ang mga pasahero saka nilimas ang kanilang cellphone, pera, alahas at iba pang mapapakinabangan.

Nagkataon naman nagpapatrulya ang mga tauhan ng QCPD Station 10 sa Timog Avenue kaya sumigaw at humingi ng tulong ang mga pasahero na nagresulta ng pagkakadakip ng tatlo at narekober lahat ang kanilang kinulimbat.

Pinuri ni Gen. Eleazar ang kanyang mga tauhan sa mabilis na aksiyon at pinasalamatan nito ang concern ng publiko.

“Napakahalaga po talaga ng pagpapatrulya, dahil dito mabilis na nakakapagresponde ang ating mga kapulisan. Nagpapasalamat din ako sa ating mga kababayan na agad humingi ng saklolo dahilan para habulin ang mga suspek at maaresto ang mga ito” sabi ni Eleazar. (Dolly B. Cabreza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?