7
deport
By

3 HK nationals na iligal na nakapasok sa PH, ipapatapon ng BI

Sharing is caring!

Pinaplantsa na ng Bureau of Immigration ang pagpapa-deport sa tatlong dayuhan nnauna nang inaresto ng militar sa Basilan dahil sa iligal na pagpasok sa bansa.

Nakilala ang tatlo na sina Tsui Tsz Kin, Ho Chun Wai at Wong Po na pawang mula sa Hong Kong Special Administrative Region.

Ayon kay BI-Anti-Terrorist Group o ATG Chief Fortunato Manahan Jr., nadakip ang nasabing mga banyaga ng mga tauhan ng AFP sa bisinidad ng Pilas Island, Hj Mutamad, Basilan dalawang Linggo na ang nakararaan sakay ng speed boat na nawalan ng gasolina sa laot.

Iniimbestigahan na ngayon ang posibilidad na sangkot ang tatlo sa drug trafficking, human trafficking at smuggling.

Pero ang alibi aniya ng tatlo ay nagsasagawa lamang sila ng testing procedure sa kanilang speedboat at napadpad lamang sila sa karagatang sakop ng Pilipinas dahil sa masamang lagay ng panahon.

Nakumpiska sa mga ito ang ilang high-tech na cellular phones, satellite phones, GPS devices, at mga credit card.

Pansamantalang nakapiit ang tatlo sa BI detention facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City habang inihahanda pa ang deportation ng mga ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?