14
arrested

3 hired killers, 1 wanted huli sa Zambo

Sharing is caring!

Arestado ang tatlong miyembro ng private armed group at isa pang wanted na lalaki sa isinagawang operasyon ng mga pulis sa Zambaonga del Sur.

Nakilala ang mga suspek na sina Atu Bidu, Marcus Isong, Gilbert Bualat at Renato Fuentevilla.

Nadakip ang apat sa serye ng operasyon na isinagawa ng Task Force Tugis sa bayan ng Dinas.

Si Bidu na wanted sa robbery-slay ay inaresto sa Purok 5 in Barangay Lucoban.

Si Isong ay sangkot sa pagpatay noong 2004. Ibinuking niya sa mga pulis ang mga kasama niya sa sindikato na sina Bualat at Fuenteveilla.

Sina Isong, Bualat at Fuentevilla ay pawang mga hired killers at miyembro ng private armed group na sangkot sa serye ng pagtay sa ilang bayan sa Zamboanga del Sur.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?