60

Dec 16, 2019 @ 18:59
By

3 gusali ng gobyerno nagiba sa lindol – NDRRMC

13 gusali ng gobyerno nagiba sa lindol – NDRRMC

Umaabot sa 13 gusali ng gobyerno ang naiulat na nawasak sa naganap na magnitude-6.9 na lindol nitong Linggo na naramdaman sa mga bayan at siyudad sa Davao, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Ayon kay Mark Timbal, ang mga nawasak na government building ay nauna namg tinamaan ng mga lindol ang mga bayan ng Tulunan at Kidapawan City sa Cotabato, at Sarangani sa Davao Occidental.noong Oktubre at Nobyembre 2019, at natuluyan na nang maganap ang lindol nitong Linggo, Disyembre 15.

“’Yung mga dati pong nayanig nitong October, November earthquake natin, sila pa rin po yung dinalaw nitong earthquake na ‘to. So some structure po that have been previously damaged, mukhang natuluyuan na,” ani Timbal.

Kabilang sa mga istraktura ng gobyerno na grabeng napinsala ng lindol ay ang Magsaysay Municipal Hall building sa Davao Del Sur; PNP Padada Station; Fire Station ng Padada BFP; at Public Market.

May 17 ding gusali na iniulat na bahagyang nasira, habang aabot sa mahigit 100 bahay ang nasira dahil sa lindol.

Nakapagtala na ng mahigit 450 na aftershock simula noong Linggo, kung saan 41 ang naramdaman ang lakas.

Ayon pa kay Timbal, kapag nagkakaroon ng malakas na aftershock ay tinitigil nila ang rescue operation dahil iniiwasan nilang maipit ang mga rescuer sa bumibigay na gusali.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?