18

Dec 2, 2020 @ 11:06
By

3 gun-for-hire member todas sa Caloocan

Pumanaw ang tatlong kasapi ng isang gun-for-hire group matapos ang sagupaan sa awtoridad sa North Caloocan.

Ayon sa PNP-Highway Patrol Group, may nag-tip sa kanila na dadaan ang isang gun-for-hire group sa kahabaan ng Quirino Highway kaya nag-set up sila ng checkpoint.

Namataan ng otoridad ang isang sasakyang kahina-hinala raw ang plaka, at nang makumpirma na karnap ang sasakyan ay doon na nila ito hinarang.

Sinubukan umanong tumakas ng mga suspek pero na-corner ang mga ito matapos ang habulan kaya nagkaputukan na.

Nasawi ang tatlo sa mga suspek. Samantala, ang driver ng kotse ay nakatakas. Nasamsam din mula sa mga suspek ang 3 baril at 7 piraso ng bala.

Sabi ng pulisya, nago-operate ang grupo sa Region 3 kaya inaalam pa ang dahilan ng pagpunta nito sa Quezon City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?