1,862

By

3 grupong magpapatalsik kay Duterte, pinababantayan

Sharing is caring!

Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang plano ng oposisyon na patalsikin siya sa puwesto sa Oktubre.

Sinabi ng Pangulo na may nakuha silang impormasyon na pinagpaplanuhan ng Partido Liberal, Senador Antonio Trilanes IV at Kilusang Komunista ang pagpapatalsik sa kanya sa puwesto.

Pero sinabi ng Presidente na hindi siya natatakot na ikudeta at gaya aniya ng paulit-ulit na pahayag, bababa siya sa puwesto kung may interesadong pumalit sa kanyang puwesto.

“Tatlo mga yan, bantayan nyo. Iyang yellow Liberals, Trillanes pati ang politburo. So tatlo yan, they are praying for my ouster. Kung kayo kayo lang n’yan, magbakbakan lang tayo, matulog na lang ako,” anang Pangulo.

Binilinan ng Pangulo ang mga sundalo na tanungin ang intelligence community sa mga nasasagap na plano ng tatlong grupo.

Inaasahan aniyang mag-iinit ang ouster plot laban sa kanya sa susunod na buwan.

“Kudeta, kudeta wala.yan. It does not even the word appeal to me at all. Kung idealist ka man o may prinsipyo na tao, ‘yang tatlong yan bantayan nyo. Iyan yung mag-o-oust na, oust Duterte and it will go into a higher October ganun,” dagdag na pahayag ni Pangulong Duterte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?