36

Feb 6, 2018 @ 12:52

3-game win streak ng Pistons kasama si Griffin, naitakbo sa Portland

May 17 points at 17 rebounds si Andre Drummond at nakawala ang Detroit Pistons sa Portland Trail Blazers, 111-91, nitong Lunes (Martes, Manila time) para sa ikaapat nilang sunod na panalo.

Tatlong beses nang sunod na nananaig ang Detroit kasama si Blake Griffin sa koponan matapos i-trade ng Los Angeles Clippers ng nakaraang linggo.

Nagtrabaho ng 21 points, 9 rebounds at 6 assists si Griffin na may panahog pang tatlong 3-pointers.

Umiskor ng 20 points si Damian Lillard, nagdagdag si C.J. McCollum ng 14 para sa Blazers, na semplang ulit matapos mabiktima ng buzzer-beater sa Boston.

Abante ng 13 points ang Detroit sa second quarter. Naituntong pa nila ito sa dobleng pigura sa third.

Pagpasok ng fourth, wala nang hirap na naitakbo ng Pistons ang panalo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?