globalport
By

3-game win streak ng Beermen, pinigtas ng GlobalPort

Sharing is caring!

Rumagasa si Stanley Pringle sa Batang Pier para putulin ang tatlong sunod na panalo ng San Miguel, 98-94, sa PBA Commissioner’s Cup sa Mall of Asia Arena sa Pasay City kagabi.

Tumapos ng 22 points si Pringle para maitabla ang win-loss record ng GlobalPort sa 4-4 habang laglag muli sa 3-4 sa standings ang SMB.

Napatalsik may 8 minuto pa sa 4th quarter ang import ng GP na si Malcolm White matapos matawagan ng dalawang technical foul laban kay SMB import Renaldo Balkman.

Importanteng 3-pointer ang ibinaon ni Nico Elorde mula sa pasa ni Pringle para basagin ang tablahan sa iskor at ibigay ang abante sa GlobalPort, 95-92, may 48 segundo na lang ang nalalabi.

Matapos ang dalawang free throws ni Balkman, natapyasan ang lamang ng GP sa isa na lang. Sa sumunod na posesyon nagmintis si Pringle, may pag-asa na sana ang Beermen na makuha ang abante at makasilat ng panalo.

Pero palpak ang inbound play ng SMB kaya nakanakaw ng bola si Pringle at naipasa para sa breakaway layup ni Mo Tautuaa, balik sa tatlo ang abante ng Batang Pier, 97-94.

Ang free throw ni Elorde at mintis ni Chris Ross sa papatapos na oras ang nagselyo ng panalo pabor sa GlobalPort.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?