30
arrested
By

3 galamay ng gun for hire, arestado sa Laguna

Nadakip ng San Pablo City PNP sa lalawigan ng Laguna ang tatlong miyembro ng gun for hire group matapos ang ikinasang anti-illegal drug operation sa Barangay I-C, San Pablo City kahapon ng hapon.

Ayon kay PNP CALABARZON Regional Director Police Chief Supt. Guillermo Eleazar, alas-5:30 ng hapon nang ikasa ang operasyon.

Nadakip dito sina Rodolfo Bombilla, alyas Bunso, 31; Christopher Pasco, alyas Cris, 40; at Ferdinand Lasam, alyas Macoy, 37.

Narekober mula sa mga suspek ang walong piraso ng plastic sachet ng hinihinalang shabu, iba’t ibang drug paraphernalia, 2 kalibre ng .45 Remington at Armscor, 21 piraso ng live ammunitions ng cal. 45, 3 piraso ng magazine ng cal. 45, 1 hand grenade, at P2,080 buy-bust money.

Nasampahan na ng mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Illegal Possession of Firearms and Explosives ang mga suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?