115

Dec 27, 2017 @ 15:21

3 fouls ni KD kay LeBron, hindi napituhan ng reperi – NBA

Isiniwalat ng mga opisyal ng NBA ang dalawang hindi naitawag na mga foul ni Kevin Durant at LeBron James sa ‘last two minutes’ ng Christmas rematch ng Cleveland Cavaliers at Golden State kung saan nanaig ang Warriors, 99-92.

Nagreklamo noon si James na dalawang beses siyang na-foul ni Durant habang pa-drive sa basket ngunit hindi napituhan ng reperi kaya’t napunta ang bola sa Warriors.

Ayon sa liga, dalawang beses na-foul ni Durant si James pero hindi natawagan.

Sa ginawang pagrebyu ng reperi sa laban, nakitang nasagi ni Durant ang braso ni James kaya’t naapektuhan ang balanse nito patungo sa basket.

Naapektuhan naman ang tira ni James at natapal pa ni Durant dahil sa may foul din si KD sa braso at katawan ni LeBron sa pangalawang pagkakataon.

“He fouled me twice,” ani James. “But, whatever. What are you going to do about it?”

Nag-deny naman si Durant na may foul na nangyari, “He’s too big for that. He’s too big. That ain’t no foul.”

Nakita rin sa rebyu na na-foul ni Durant si James na nagresulta ng out of bounds sa huli.

Ayon pa sa liga, dapat ay natawagan din ng foul si LeBron pero hindi napituhan nang hawakan nito ang braso at jersey ni Golden State’s Draymond Green sa huling 33 segundong nalalabi kaya’t hindi nakuha ng Warriors forward ang rebound.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?