13

Mar 3, 2021 @ 21:08
By

3 Fil-Am movie kinokonsidera sa Oscars

Tatlong Filipino-American film ang posibleng manomina sa 93rd Academy Awards.

Ayon sa Film Development Council of the Philippines (FDCP), kabilang ang “A Thousand Cuts”, “Lingua Franca” at “Yellow Rose” sa “366 titles eligible for consideration for Best Picture.”

Pawang mga babae ang direktor ng “A Thousand Cuts”, “Lingua Franca” at “Yellow Rose” na sina Ramona Diaz, Isabel Sandoval at Diane Paragas.

Ayon sa FDCP, magno-nominate ang mga miyembro ng Academy ng lima hanggang sampung pelikula kada category sa March 5-10.

Iaanunsyo ang mga opisyal na nominado sa Oscars sa March 15 habang gaganapin ang 93rd Academy Awards sa April 25.

Of the 366 titles eligible for consideration for Best Picture at the 93rd Academy Awards, three are Filipino-American…

Posted by Film Development Council of the Philippines on Monday, March 1, 2021

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?