338

Feb 3, 2019 @ 16:12
By

3 Ex-PBA player bumida sa Pampanga Lanterns

Pinakitaan ng tatlong dating pro player ng Pampanga Lanterns Ang Mandaluyong El Tigre-Dataland para ibulsa ang panalo, 90-85, sa naging aksyon sa MPBL Datu Cup sa Angeles University Foundation Arena.

Nanguna para sa Lanterns sina Michael Juico, Levy Hernandez at Juneric Baloria para masungkit ang ikalawang sunod na panalo sa balwarte.

Si Juico, dating naglaro para sa GlobalPort Batang Pier, ay humarurot ng 29 puntos samantalang umayuda naman ang dating ex-TNT player na si Hernandez ng 19 markers.

Si Baloria naman, dating naging manlalaro para sa NLEX Road Warriors, ay kumaripas ng double-double performance sa 16 puntos at 13 boards.

Dahil sa panalo, angat sa top eight ng standings ang Pampanga tangan ang 9-12 record para mabuhay pa ang tsansa sa playoffs, samantalang laglag naman sa 8-13 baraha ang Mandaluyong, kapantay ang Valenzuela para sa 10th at 11th spot.

Sa iba pang laro, naisahan ng Cebu City Sharks ang Bulacan Kuyas, 70-54, para makuha ang ika-11 panalo sa 23 na laro.

Nanguna para sa Cebu si dating FEU varsity Joel Lee Yuu na pumaspas ng career-high 18 points.

Nanatili sa ikaanim sa standing ang Cebu sa southern division, samantalang hawak pa rin ng Bulacan ang ikalimang pwesto sa pagkatalo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?