24
utah-jazz
Mar 4, 2018 @ 13:07
By

3 ejections tampok sa panalo ng Jazz vs Wolves

Umeksena si Rudy Gobert para balikatin ang Utah Jazz sa 116-108 panalo kontra Minnesota sa larong tinampukan ng tatlong ejections.

Bago natapos ang laro ay nauna na sa locker room sina Jae Crowder ng Jazz, at sina Jeff Teague at Karl-Anthony Towns ng Timberwolves.

Napalabas si Crowder dahil sa pakikipagsagutan kay Minnesota coach Tom Thibodeau.

Binalya naman ni Teague ang rumaragasa sa fastbreak na si Ricky Rubio na sumadsad sa sidelines, nakasungkit ng dalawang technical si Towns at na-eject 23 seconds na lang bago ang halftime na may 13 points lang.

Wala sa loob si Towns, walang naisagot ang Wolves kay Gobert na tumikada ng season-high 26 points, may 16 rebounds at four blocks.

Dinomina ng Jazz ang laro, na-outscore ang Wolves 19-0 sa second-chance points.

Naigapos din ang Minnesota sa season-low two offensive rebounds. Umayuda ng 26 points si Donovan Mitchell sa Utah, may tig-15 sina Crowder at Derrick Favors.

Naka-25 points si Teague bago na-eject sa flagrant foul kay Rubio.

Isinara ng Jazz ang first half sa 20-6 run para lumayo 56-45.

Dumikit ang Wolves 94-92 sa jumper ni Teague, pero sumagot si Crowder ng 3 at nakakuha ng back-to-back baskets si Mitchell sa 11-2 run ng Utah tungo sa 105-94 lead 5:20 pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?