882

By

3 DWSD undersecretary sinibak ni Duterte

Sharing is caring!

Sinibak sa puwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang tatlong undersecretary ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Kinumpirma ni DSWD Secretary Rolando Bautista na sinibak sina Undersecretary Maria Lourdes Jarabe, Mae Fe Ancheta Templa at Hope Hervilla.

November 14 aniya nang ipadala ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang notice of termination nina Jarabe, Templa at Hervilla.

Hindi naman tinukoy ng kalihim kung ano ang dahilan sa pagsibak sa tatlong opisyal na itinalaga ng Pangulo noong 2016.

Sinabi ni Bautista na hindi siya binigyan ng abiso sa naging desisyon ni Pangulong Duterte.

Sinabi naman ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na batid naman ng lahat na mainit ang Presidente sa isyu ng korapsiyon.

Gayonman, hindi batid ng kalihim kung ano ang tunay na dahilan sa pagsibak sa tatlong DSWD undersecretary.

“Alam nyo naman ang dahilan ng pagsibak ni Presidente, kung ikaw ay sangkot sa corruption or kung ikaw ay incompetent sa trabaho,” ani Panelo.

Si Jarabe ay dating secretary general ng grupong Gabriela, habang si Hervilla ay regional chairperson ng Bayan Muna at si Templa ay miyembro ng Forum of Women for Action with Rody Duterte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?