58

Dec 18, 2017 @ 18:19
By

3 drug pusher, 4 gambler arestado sa QC

Nadakip ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang tatlong drug pusher at apat na gambler sa patuloy na kampanya ng anti-criminality and illegal drugs operation sa lungsod.

Kinilala ni QCPD Director, Police Chief Supt. Guillermo Lorenzo Eleazar, ang mga naarestong sina Dexter Marcos, 20-anyos, ng Brgy. Pasong Tamo; Elmer Ramos, 30, at Wildon Surop, 39, kapwa residente ng Brgy. Culiat. Sila ay naaresto sa kasong pagtutulak ng iligal na droga sa kani-kanilang mga barangay.

Sina Michael Diaz, 47, at Edwin Sagario, 35, kapwa residente ng Brgy. Gulod, Novaliches ay naaresto habang nagsusugal ng cara y cruz dakong alas- 10:45 ng gabi sa kahabaang ng Genoveva St., Brgy. Gulod, Novaliches.

Habang ang Cubao Police Station (PS-7) sa ilalim ni P/Supt. Louise Benjie Tremor ay naaresto naman sina Serio Masayon, 61, ng Caloocan City, at Alex Bautista, 38, ng Parañaque City.

Sila ay dinakma habang nagsusugal ng cara y cruz dakong alas-2:50 ng umaga nitong Disyembre 17, 2017 sa kahabaan ng EDSA cor. Aurora Blvd., Brgy. Socorro, Cubao.

Ang mga nabanggit ay sinampahan na ng kaukulang kaso. (Dolly B. Cabreza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?