26

Mar 10, 2020 @ 15:04
By

3 dinampot sa cara y cruz sa Pasig

Kulungan ang bagsak ng tatlong lalaki matapos madampot sa ikinasang Oplan Galugad makaraang mahuling nagsusugal sa kalsada, kahapon sa Barangay Pinagbuhatan, Pasig City.

Batay sa nakalap na report mula sa tanggapan ng Eastern Police District (EPD), nakilala ang mga suspek na sina Michael Pascual, 29 anyos, helper; Kalid Razuman Maanio, 32-anyos, delivery boy at Manuel Oliva, 37 anyos, pawang mga residente ng Pasig City.

Nahaharap sa kasong paglabag sa PD 1602 ang mga suspek na inaresto bandang 5:30 Lunes ng gabi sa kahabaan ng Caliwag St., Barangay Pinagbuhatan habang nagsasagawa ng Oplan Galugad ang mga tauhan ng PCP-8 at naispatan ang mga suspek na nagsusugal sa kalsada.

Agad na nagkalasan ang mga miron makaraang makita ang mga paparating na pulis, nadampot ang tatlong suspek at nakumpiska ang tatlong piso na gamit bilang pangara at P150 bet money.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?