By

3 dinakma sa cara y cruz na shabu ang pustahan

Sharing is caring!

Kulungan ang bagsak ng tatlong lalaki matapos mahuling nagsusugal ng cara y cruz at ang pusta ay shabu na agad na ikinaalerto ng mga tauhan ng Pasig Police, kamakalawa ng gabi.

Arestado sina John Paul Labugin y Sonido, Dhon Cabiling y Flores at Mario Cruz y Bulos, pawang mga nasa hustong gulang at residente ng Barangay Bambang, Pasig City.

Batay sa report, nakatanggap ng reklamo ang Pasig Police Community Precinct 3 kaugnay sa pag-iingay ng mga suspek na kung saan nagsusugal ang mga ito gamit ang dice at shabu ang ginagawang pantaya kapalit ng kanilang pagkapanalo sa cara y cruz.

Bandang alas-singko ng hapon ay agad na nagresponde sina PO1 Jose Roderick Basco at PO1 Albert Gagawan sa Villa Reyes St., sakop ng Barangay Bambang at aktong nakita ang pagka-cara y cruz ng mga suspek.

Agad nagpulasan ang mga miron nang makatunog na paparating na ang mga pulis at doon na nadakma ang tatlong suspek.

Nakumpiska mula sa kanila ang dalawang dice at bet money na P110 at tatlong plastic sachet na naglalaman ng shabu.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa Pasig detention cell at nahaharap sa kasong paglabag sa PD 1602 (cara y cruz) at RA 9165 o illegal drugs act.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?