14
mangingisda

3 dinakip dahil sa iligal na pangingisda sa Masbate

Sharing is caring!

Naaresto sa kani-kanilang sasakyang-pandagat ang tatlo katao dahil sa iligal na pangingisda sa karagatan ng Masbate.

Dinakip sina Jorge Liquiron, Malijana Tomas, at Degracia Hermino habang sakay ng kani-kanilang bangka na FB Jurna, FB Mary Femen, at FB Bernie.

Sa inspeksiyon na isinagawa sa katubigan ng Ticao Island at Burias Island noong Abril 27, nahuling gumagamit ng “fine mesh net” o “Ziipper” ang mga suspek.

Ayon sa Philippine Coast Guard, kasamang inaresto ang boat captains at crew members ng mga ito dahil sa paglabag sa Republic Act 8550.

Paso na rin umano ang safety certificates ng nasabing fishing boats.

Bigo rin umano ang mga may-ari na magpresinta ng boat captain license at marine diesel mechanic license.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?