52

Dec 25, 2017 @ 15:42
By

3 dayuhan na may pekeng Belgium passport, naharang sa NAIA

Naharang ng Bureau of Immigrations (BI) ang tangkang human smuggling sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.

Sa impormasyon ng BI Port Operations Division, dumating ang tatlong dayuhan kahapon mula Bangkok, Thailand sakay ng Thai Airways Flight TG620.

Nadiskubre ang tangkang human smuggling matapos mabuking ang kanilang bitbit na pekeng Belgium passport.

Kinilala ang mga dayuhan na sina: Masoomeh Javidialsaadi ar Paraa Javidialsaadi na pawang mga lalaki at isa pang babae na ang apelyido rin ay Javidialsaadi.

Pinaniniwalaang ang mga dayuhan ay pawang mga Iranian.

Nauna nang naghigpit ang BI sa mga dumarating na dayuhan sa bansa sa pamamagitan ng pagdedeploy ng mga undercover agent sa mga international airport.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?