25
views

By

3 dalaga huling bumabatak sa bahay

Sharing is caring!

Tatlong dalaga ang inaresto matapos mahuli sa aktong nagsasagawa ng pot session sa loob ng bahay ng isa sa kanila sa lungsod ng Caloocan kaninang umaga.

Ayon sa ulat ng Caloocan City Police, alas-nuwebe ng umaga inaresto ang mga suspek na sina Jackielyn Montallana, 18; Mia Valdez Aquino, 18; at Jhoana Marie Santos, 33.

Nagsagawa ng Oplan Galugad ang mga tauhan ng pulisya nang mag-report ang ilang residente sa umano’y nagaganap na pot session sa bahay ni Aquino.

Tinungo ng pulisya ang nasabing bahay at doon nahuli sa akto ang tatlo na halinhinang sumisinghot ng shabu.

Narekober sa kanila ang isang bukas nang sachet ng hinihinalang shabu na nagamit na ang laman at mga drug paraphernalia.

Sinampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga nahuli at pawang mga nasa kustodiya na ng Caloocan City detention cell.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?