32

Apr 10, 2020 @ 15:03
By

3 COVID survivor magdo-donate ng dugo sa PGH

Tatlong nakaligtas sa COVID-19 ang handang ibigay ang kanilang dugo para makatulong sa paggamot ng mga kritikal na pasyenteng tinamaan ng virus.

Ayon sa Facebook post ni Jonas del Rosario, ang spokesperson ng Philippine General Hospital, ang tatlong COVID survivor ay nag-donate ng dugo nitong Huwebes.

Ang kanilang mga dugo ay gagamitin para sa plasma therapy, na ginagawa bilang isa sa treatment sa ilang nakakahawang sakit tulad ng SARS at MERS, ngayon ay sinusubukan para sa COVID-19.

“On April 9, 2020 (Araw ng Kagitingan), the first 3 brave and healthy Covid 19 Filipino survivors generously donated their blood for the Convalescent Plasma Therapy vs Covid 19 to the Philippine General Hospital,” saad ni Del Rosario.

“They rose above the stigma and showed the world that their plasma is a gift of life.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?